SINAUNANG KABIHASNAN
Nang lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang kapaligirang lambak-ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa kapuluan na magtanim ng halamang ugat at palay. Naging bihasa rin sila sa paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-ilog ay natutong magtanim ng trigo, barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop sa lambak-ilog tulad ng tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang naging kabayuhan sa disyerto at steppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates sa mga oasis sa disyerto.
Tatalakayin sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa Asya - ang Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya. Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at lipunan na nabuo sa tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.
Sibilisasyon
- Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”
- Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.
- Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria
Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga [amayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12 lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Ito’y tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang.