- Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”
- Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.
- Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria
SUMERIANS
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Ito’y tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod na ito naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian.
- 2100 b.c.e – panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito pinamunuan amg sumer at akkad, at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni ur nammu na si ibbi-su ang ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at hurrian sa Mesopotamia.
BABYLONIANS
- Ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong babylonia.
CHALDEANS
- 612 B.C.E- Panibagong imperyo ang tinatag at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar
- 625 B.C.E- Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian na siyang kumokontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
- 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.
- 614 B.C.E- isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur.
- 621 B.C.E – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nabopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng niniveh.
-609 B.C.E – tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
- 610 B.C.E. – 605 B.C.E – nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.
-Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng babylonia ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa kanyang panahon.
- Hanging Garden of Babylon – ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa, kinikilala ng mga greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian
- 539 B.C.E – ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob ang Babylon.
- Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt hanggang India. Sa pagusbong ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander The Great.
Sinaunang Kabihasnan ng Egypt
Nagtagumpay ang kabihasnan ng lumang Ehipto mula sa kakayanang umangkop sa mga kalagayan ng Lambak ng Ilog Nilo. Pinamahalaan ang patubig ng mayabong na lambak na nagbubunga ng labis na pananim, na nagpaalab sa pag-unlad ng lipunan at kultura. May mga yamang maitatabi, tinaguyod ng mga namamahala ang pagpapaunlad ng mga mineral sa lambak at mga nakapaligid na rehiyon ng ilang. Pinaunlad din ang isang malayang sistema ng pagsusulat (ang hyeroglipo), ang pabuo ng isang pinagsama-samang proyekto ng pagtatayo at pagsasaka, pagkalakal sa mga napapaligirang mga rehiyon, isang militar na tumalo sa mga banyagang kaaway at ipinahayag ang pangingibabaw ng Ehipto. Inuudyukan at binubuo ang mga gawaing ito ng isang burokrasiya ng mga elitistang eskriba, mga relihiyosong pinuno, at mga tagapamahala sa ilalim ng paraon na tinitiyak ang pakikipagdamayan at pagkakaisa ng taong-bayan ng Ehipto sa pamamagitan ng isang masalimuot na sistema ng paniniwalang pang-relihiyon.
[4][5]
Kabihasnan ng India
Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.
May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.
Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.
Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga archeoloheyo, ang paglusob ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan .
Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o mga sibilisasyon noong unang panahon na naitatag ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang sibilisasyon ng mga Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano, ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang Indiya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya, ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko, ng kabihasnang Helenistiko (kasama ang ng mga Penisyo, ng sinaunang mga Romano, ng mga Kelto, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng mga Trasyano, ng mga Minoe), ang mga kabihasnang pre-Kolumbyano (kasama ang sa mga Olmek, mga Maya, mga Sapoteka, mga Inka, mga Toltek, at mga Asteka).
Sa makabagong panahon, tinatawag na sinaunang mga sibilisasyon ng mga tao ang mga kabihasnang ito dahil iniisip nila ang mga daang taon bago dumating ang 500 AD. Ngunit kasama talaga sa sinaunang mga panahon ang karamihan sa kasaysayan ng tao. Tumanda o naging sinauna ang kabihasnan kahit na sa loob ng panahon ng itinuturing ngayon ng makabagong mga tao bilang sinaunang mga kapanahunan.[1]
Kabihasnan ng Amerika
Ang kasaysayan ng Timog Amerika ay isang pag-aaral ng nakaraan, partikular ang nakasulat na tala, kasaysayang pinasa sa salita lamang, at mga tradisyon na pinasa mula sa salinlahi hanggang salinlahi sa lupalop sa katimugang hating-daigdig at (pangunahin sa) kanluraning hating-daigdig. May kasaysayan ang Timog Amerika na nagtagal sa iba't ibang pagbuo ng kultura ng tao at kabihasnan. Habang ang sanlibong taon na malayang pagsulong ay naabala ng kapanyang kolonisasyon ng mga Kastila at Portuges noong ika-15 siglo at sumunod na mga demograpikong pagbasak, nanatiling iba ang mestiso at katutubong kultura mula sa mga nagkolonya. Sa pamamagitan ng trans-Atlantikong pangangalakal ng mga alipin, naging tahanan ang Timog Amerika (lalo na sa Brazil) ng mga milyong katao sa diyaspora ng mga Aprikano. Ang paghahalo ng mga lahi ang nagdulot sa bagong kayarian ng lipunan. Ang tensiyon sa pagitan ng mga kolonyal na mga bansa sa Europa, katutubong mga tao at nakatakas na mga alipin ang humubog sa Timog Amerika mula ika-16 na siglo hanggang ika-19 na siglo. Kasama ang himagsikan para sa kalayaan mula sa mga Kastila noong ika-19 na siglo, sumailalim muli ang Timog Amerika sa isang pagbabagong panlipunan at pampolitika na nagtagal hanggang unang bahagi ng 1900.
Kabihasnan ng Pasipiko
Ang Kapuluang Pasipiko ay binubuo ng 20,000-30,000 isla, bahura (coral reef) at karang (atoll). Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga pulo: ang Melanesia, Micronesia, at Polynesia. Tinatawag ito ng mga manggagalugad na "Garden of Eden" (Halamanan ng Eden) dahil sa likas na ganda nito.
Si Vasco Núñez de Balboa ang unang Europeong nakakita sa Pasipiko, natanaw niya ito at tinawag na "dagat sa timog". Natunghayan din ito ni Ferdinand Magellan sa paglalayag niya rito. Kalmado ang karagatan at tahimik kaya pinangalanan niya itong "Pasipiko" na ang ibig sabihin ay "tahimik" sa wikang Latin. Bagkus hindi sila nakatuklas ng mga pulo rito tanging ang Pasipiko ang natunghayan at natahak nila.
Si James Cook ang unang Europeong nakatapak sa pulo ng Hawaii (Kauai at Oahu) noong Enero 18, 1778. Si Kapitan Cook at ang kanyang mga marinong Briton ang unang mga Europeyong umapak rito. Nagkamit si Cook ng karangalan at katanyagan sa kanyang mga nagalugad at sa kanyang trabaho bilang nabigador. Tinagurian siya ng iba bilang pinakadakilang manggagalugad.
Tinatawag din ang Kapuluang Pasipiko bilang Oceania kapag pinagsasama[1] (Bagaman kadalasang na kabilang ang Australasia at Kapuluang Malay sa kahulugan ng Oceania).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento